



Harley Naturopathic
Mahal Kong Bayan
Ito ay isang pahina na nakalaan para sa mga mahal naming kababayan. Nakaukol ito para sa Pilipinas, kasi nauunawaan ko na ang lahat ng mga bansa ay may kani-kaniyang mga kakayahang pinansyal at gayon din may mga halamang gamot na nakaukol din lamang sa isang lugar, masagana at libre para sa lahat.
Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care

Mayroon tayong sariling klase ng panggagamot Tradisyunal, na rehistrado at kinikilala sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa PITAHC.
Marami rin tayong mga paaralan kung saan tayo makakapag-umpisa na mag-aral ng Herbal Medicine at panggagamot Tradisyunal.

Tunkgkol sa akin
Si Dean, ay isa sa mga nagsasanay sa larangan ng Tradisyunal na klase ng panggagamot. nakapag tapos siya bilang isang Doctor of Natural Medicine. Bagamat hindi ito katulad mismo ng nakikilala nating conventional medicine, ay maraming mga prinsipyo na magkakatulad, lalo na pagdating sa kalusugan at kaligtasan ng tao.
Dean Harley
